Mga katangian na dapat taglayin ng isang Computer Programmer.


Image result for computer programmer


 Ang mga Computer Programmer o software developer ang siyang nagde-debelop, gumagawa, o nagdi-disenyo ng mga aplikasyon sa kompyuter sa pamamagitan ng pagsusulat ng source code. Tulad ng ibang propesyon may mga suliranin ding kinakaharap ang mga Computer Programmer na susubok sa kanyang kakayahan kabilang dito ang kakulangan sa oras upang mabuo ang program, pag- upo nang matagal, at ang debuggingpag-debug ito ay ang proseso ng paghahanap at paglutas ng mga depekto o problema sa loob ng isang programa sa computer na pumipigil sa tamang operasyon ng software ng computer o isang sistema.

Kaya narito ang mga katangian na dapat taglayin ng isang Computer Programmer na
makatutulong sakanya upang siya ay magtagumpay.

1. Responsable

Ang isang Computer Programmer ay nararapat na maging responsable sa iniatas sa
kanyang gawain upang maisaayos nya ito sa panahong ibinigay sa kanya at kung sakaling
may aberya may panahon pa siya upang maayos ito. At wag papabayaan ang program na
ginagawa dahil baka may mangialam nito na syang magdudulot ng pagkasira.

2. Analitiko
Dapat marunong mag analisa ang isang programmer upang madali niyang
maunawaan kung paano bubuohin ang isang program at kung ano ang mga source codes
ang kanyang gagamitin , sa paggamit narin ng panibagong programming language na hindi
pamilyar sa kanya, at sa pag-debug o paghahanap ng error sa program.

3. Maparaan/ Madiskarte

Maparaan upang mabilis na mabuo ang isang program, ang isang
programmer ay hindi lamang dapat nasa loob ng isang kahon, kailangan niya ring kumalap
ng mga ideya na siyang makatutulong sa kanyang program.

4. Mapagpasensya/ Matiyaga

Ang isang programmer ay mahaba ang pasensya hindi lang sa pag-aanalisa ng
program na bubuohin, o sa pag iisip ng source code na gagamitin, sa pag aanalisa ng
problema sa program, kundi pati narin sa pag upo ng matagal na panahon. Ang isang
ay hindi dapat sumusuko sakanyang program na binubuo.

5. Relihiyoso

Kadalasan sa mga Computer Programmer na hindi nabibigyan ng halaga ang mga
program na kanilang ginawa ay nagpapakamatay. Dapat ang isang Computer Programmer
ay may pagpapahalaga sa lumikha sa kanya at sa kanyang kapwa. Dapat ay may positibong
pananaw na syang makabubuti sakanya at sa iba.



Comments