Mga katangiang dapat taglayin ng isang Computer Programmer

Ang mga Computer
Programmer o software developer ang siyang nagde-debelop,
gumagawa, o nagdi-disenyo ng mga aplikasyon sa kompyuter
sa pamamagitan ng pagsusulat ng source code.
Tulad ng ibang propesyon may mga suliranin
ding kinakaharap ang mga Computer Programmer na susubok sa
kanyang kakayahan kabilang dito ang kakulangan sa oras upang mabuo ang program,
pag- upo nang matagal, at ang debugging/ pag-debug ito ay ang proseso ng paghahanap at paglutas
ng mga depekto
o problema sa loob ng isang programa sa
computer na pumipigil sa tamang operasyon ng
software ng computer
o isang sistema.
Kaya
narito ang mga katangian na dapat taglayin ng isang Computer Programmer
na
makatutulong
sakanya upang siya ay magtagumpay.
1. Responsable
Ang
isang Computer Programmer ay nararapat na maging responsable sa iniatas sa
kanyang
gawain upang maisaayos nya ito sa panahong ibinigay sa kanya at kung sakaling
may
aberya may panahon pa siya upang maayos ito. At wag papabayaan ang program na
ginagawa
dahil baka may mangialam nito na syang magdudulot ng pagkasira.
2.
Analitiko
Dapat
marunong mag analisa ang isang programmer upang madali niyang
maunawaan
kung paano bubuohin ang isang program at kung ano ang mga source codes
ang
kanyang gagamitin , sa paggamit narin ng panibagong programming language na
hindi
pamilyar
sa kanya, at sa pag-debug o paghahanap ng error sa program.
3. Maparaan/ Madiskarte
Maparaan
upang mabilis na mabuo ang isang program, ang isang
programmer
ay hindi lamang dapat nasa loob ng isang kahon, kailangan niya ring kumalap
ng
mga ideya na siyang makatutulong sa kanyang program.
4. Mapagpasensya/ Matiyaga
Ang
isang programmer ay mahaba ang pasensya hindi lang sa pag-aanalisa ng
program
na bubuohin, o sa pag iisip ng source code na gagamitin, sa pag aanalisa ng
problema
sa program, kundi pati narin sa pag upo ng matagal na panahon. Ang isang
ay
hindi dapat sumusuko sakanyang program na binubuo.
5. Relihiyoso
Kadalasan
sa mga Computer Programmer na hindi nabibigyan ng halaga ang mga
program
na kanilang ginawa ay nagpapakamatay. Dapat ang isang Computer Programmer
ay
may pagpapahalaga sa lumikha sa kanya at sa kanyang kapwa. Dapat ay may
positibong
pananaw
na syang makabubuti sakanya at sa iba.
Comments
Post a Comment